Pasyente ng Covid-19 nanganak

NAGSILANG ng sanggol na babae ang 20-anyos na ginang habang nasa isolation facility sa Bacolod City noong Martes.


Hindi kinilala ang ginang na ilang araw nang naka-isolate sa Midway Isolation Facility sa Brgy. Alijis.


Napag-alaman na isasakay na ng ambulasya patungo sa Bacolod City Lying-In and Birthing Center nang lumabas ang sanggol.


Nagtulong-tulong ang midwife mula sa City Heath Office at mga medical workers sa pagpapaanak.


Inaalam pa ang kondisyon ng ina at ng kanyang sanggol na nasa isolation room ng nasabing ospital.