Isabelle Daza on the way sa baby no. 3

NAKAABANG na ang mag-asawang Isabelle Daza at Adrien Semblat sa kanilang baby number three.

Inanunsyo ni Isabelle na buntis siya sa ikatlong baby nila ni Adrien sa pamamagitan ng pagpapakita ng Halloween costume ng isang “pregnant influencer” na may larawan ng aktres na ipinagmamalaki ang kanyang baby bump sa isang Instagram post.

“Baby #3,” sey niya.

Kabilang ang mga kapwa celebrities na sina Iya Villania, Iza Calzado, Pia Wurtzbach at Anne Curtis sa mga nagpaabot ng kanilang pagbati sa aktres.

“Love it Belle. Congratulations again Semblats!” chika ni Iya.

“Ayan na! So so happy!” sey Iza.

“The best way to announce. Congratulations!” ayon kay Pia.

“Here we go!” sinabi naman ni Anne.