Isabel Oli pinutakti ng face shamers

NAGLUTANGAN ang mga “perfect” na indibidwal sa Facebook na pinagbasehan ang isang larawan ng dating aktres na si Isabel Oli para pintasan ang itsura nito.

Sa Instagram, shinare ni Isabel, misis ni John Prats, ang pic na karga niya ang kanyang baby girl. Bare-faced, nakapambahay at nakahawi ang buhok sa mukha nito.

Kumalat ang nasabing photo at nakarating sa Facebook kung saan pinagpiyestahan ng bashers ang aktres.

“Bakit tumanda na mukha at nalosyang?”

“Sobrang ganyan nito dati.”

“Akala ko yaya sya ng anak ni Isabel Oli.”

“Omg! What happened to Isabel? She used to be beautiful.”

Dinepensahan naman ng fans si Isabel.

“She is still beautiful and her inner peace says them all. Iba na ang meaning ng beauty.”

“Nakababa ang angle ng camera at naka headband siya kaya parang distorted ang picture sa camera. Obvious naman na maganda at makinis ang face niya. Kayo talaga.”

“If you see Isabel Oli in person napakaganda pa din nya even without make up, my bad hair days talaga tayo bilang tao.”