Herlene sa CR nagdadasal

NAGING comfort zone ni actress-beauty queen Herlene Budol ang comfort room noong nagdadalaga siya.

Sa isang panayam, isiniwalat ni Herlene na madalas siyang nagkukulong sa banyo dahil sa baba ng kanyang self-esteem.

“Nagpe-pray ako tapos talagang kakausapin ko si Lord. Kakausapin ko din ‘yung sarili ko hanggang sa mako-convince ko naman ‘yung sarili ko,” aniya.

“Minsan tinatawag ko ‘yung sarili ko ng baliw. Ang CR is comfort room di ba? Naging comfort zone ko talaga siya. Doon nag-i-start yung araw ko,” kuwento ni Herlene.

Punto niya, sa banyo ay walang mga matang nanghuhusga sa kanya.

“Du’n ako nagpe-pray. Kasi kahit hubo’t hubad ka du’n walang magdya-judge sa ’yo. Kahit tumat*e ka, lahat ng kaya mo gawin kasi ikaw lang nakakakita, walang CCTV,” paliwanag niya.

“Kumbaga, walang judgment kapag nasa CR ka. Kaya sabi ko pag ako nagkaroon pa ng isa pang bahay na talagang lagi kong tinitirhan, perfect ang CR ko. Sa Magpakailanman na-share ko na rin talagang ang CR ang comfort room ko na literal,” sambit pa ng dalaga.