Herlene nag-TY sa pagtulong ni Barbie

TODO-pasalamat ni Herlene Budol kay Barbie Forteza na isa sa mga tumulong nang madapa siya habang rumarampa sa nakaraang GMA Gala.

Sa Instagram video, sinabi ni Herlene na sa mga kumalat na clips lang niya nalaman na isa si Barbie sa mga humangos at nagtayo sa kanya.

Kaya nang makita ito ay agad niyang hinanap si Barbie at personal na nagpasalamat.

“Actually, Ate, noong nadapa ako, hindi ko napansin kung sino ‘yung mga tumulong. Nakita ko na lang, ‘yung sa video,” aniya kay Barbie sa kanilang pagtatagpo.

“Walang problema, walang anuman,” sagot ng ‘Pulang Araw” star.

“Basta okay ka, ‘yun ang importante,” dagdag ni Barbie.