Herlene Budol plakda sa GMA Gala

NADAPA si Herlene Budol habang rumarampa sa  GMA Gala 2024 nitong Sabado ng Gabi, Hulyo 20.

Sa video na kuha sa event, inirarampa ni Herlene ang kanyang Leo Almodal gown nang mawalan siya ng balanse at bumagsak.

Napatakbo sa stage si Barbie Forteza at tinulungan siyang makatayo.

Sa tweet, sinabi ni Herlene na hindi siya nasaktan sa pangyayari.

“Sa buhay kapag nadapa ka, Bumangon ka. Hangga’t may buhay, may pag asa. Walang susuko para sa Pamilya,” sey niya.

Pinuna naman niya ang mga natawa sa pagkakaplakda niya.

“Pag dapa indi pinag tatawanan. Accident always happened! Sa palagay nyo ba gusto ko ma dapa? lahat ng tao nadadapa, naaksidente, Ang importante safe at d nasugatan,” pahayag niya.