Guro proud kay Rabiya Mateo

PROUD na proud ang mga guro ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa naging performance niya sa national costume presentation at preliminaries.

Ayon kay Febe Tolentino, Grade 5 teacher ni Rabiya, labis ang kasiyahan niya at ng iba pa niyang kasamahan nang makita ang kanilang estudyante na rumarampa sa Miss Universe stage.

Kwento pa niya, hindi nila inaaka na ang isang mahiyaing batas ay magiging kinatawan ng Pilipinas sa prestigious beauty contest.

Naniniwala naman si Tolentino na malaki ang tiyansa ng Ilongga beauty queen na masungkit ang ikalimang korona para sa Pilipinas dahil sa positibo at palaban nitong ugali. –A. Mae Rodriguez