5 military informants tinumba sa Negros Occidental

GANTI umano ng New People’s Army ang pagpatay sa limang umano’y impormante ng militar noong Biyernes sa Guihulngan City, Negros Occidental, ayon sa pulisya.

Sinabi ni Brig. Gen. Ronnie Montejo, hepe ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7), pinatay ang nga biktima, na mga dating miyembro ng Communist Terrorist Groups at New People’s Army’s Special Partisan Unit (NPA-SPARU), dahil nagbibigay umano sila ng impormasyon ukol sa operasyon ng NPA.

Tatlo sa mga napatay ay magsasaka habang ang dalawa ay ina.

Pinatay sila sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa loob ng apat na oras noong Biyernes. Unang pinatay si Rogelio Fat, 45, ng Sitio Panagtugas, Brgy.Trinidad, na sinundan ng mag-asawang Rodrigo at Cerelina Lubay, 48 at 44, ng Sitio Lower Budlasan, Brgy. Trinidad; Ronelo Lara Quirante Sr., 56, ng Sitio Agit, Brgy. Trinidad, at Gretchel Ledesma ng Sitio Taklongan, Brgy. Linatuyan.