SUMAKABILANG-buhay ang beteranang aktress at kilalang “Queen of Visayan Movies” na si Gloria Sevilla, Sabado, Abril 16, 2022 sa Oakland, California. Siya ay 90-anyos.
Namatay ang aktres na tubong Sibonga, Cebu, habang siya ay natutulog.
Inanunsyo sa Facebook ng event at veteran broadcaster na si Sam Costanilla ang pagpanaw ng aktres.
Nakilala si Sevilla bilang “Queen of Visayan movies” matapos siyang lumabas sa maraming Visayan films noong 1950s at 1960s.
Kabilang na sa mga nilabasan ng aktres ay ang “Leonora,” “Pailub Lang (Be Humble),” “Gloria Akong Anak (My Child Gloria),” “Badlis sa Kinabuhi (Destiny),” at “Gimingaw Ako (Longing for Someone).”
Nakuha niya ang kauna-unahang Famas best actress award noong 1969 para sa pelikulang “Badlis sa Kinabuhi”. Makalipas ang apat na taon ay muli siyang tinanghal na best actress para naman sa pelikulang “Gimingaw Ako.”