Gigi De Lana ‘binisita’ ng yumaong ina

NAIBSAN nang bahagya ang lungkot ng singer na si Gigi De Lana nang dalawin siya sa panaginip ng kanyang yumaong ina.

Sa Facebook, ibinahagi ni Gigi ang pangungulila niya sa kanyang mommy na sumakabilang-buhay noong Mayo dahil sa stage 4 breast cancer.

“I miss you so much, my angel. You are always my number one fan Mom,” ani Gigi sa caption ng mga shinare niyang photo ng ina at screen shots ng kanilang convo.

Nabanggit din niya na napanaginipan niya ang kanyang ina.

“Thank you for visiting me in my dream,” sey ng singer.

Nakiramay naman ang ilang fans sa pinagdadaanan ni Gigi.

“Be strong in the name of the Lord Ms. Gigi. He is our comforter. He will never leave you nor forsake you. God bless you always.”

“She’s always with you Gi. She can see and hear you from Heaven. Make her proud. Talk to her…Sing to her.”

“Kahit gaano pa tayo katanda hahanap hanapin pa rin natin ang kalinga ng ating mga ina, at mas masakit yung pakiramdam na hinahanap hanap pa din natin sila kahit alam nating hindi na sila babalik sa atin.”