Gardo binisita si Jaclyn

IBINAHAGI ng aktor na si Gardo Versoza ang pagbisita niya sa puntod ng kaibigan na si Jaclyn Jose.

“Malamang nasa kaharian ka na ni Ama, abe. @jaclynjose labyu abe,” aniya sa caption. Bago ito, sinulatan sa Instagram ni Gardo si Jaclyn kung saan sinabi ng aktor na sana ay dalawin siya ng award-winning actress.

“I’m sure alam mo na ang mga kaganapan abe at katawa tawa di ba…pang cannes ang mga performances,” ani Gardo.

“Miss kita abe…pag pinayagan ka ni Ama dalaw ka lang sa akin anytime…dami kong blind items sa iyo hehehe,” dagdag niya.

Bilin pa niya sa kaibigan: “[Ikumusta mo ako] sa mga nanay natin I’m sure sarap ng kwentuhan nyo dyan.” “Labyu abe…mishu,” mensahe pa niya kay Jaclyn.