Fake Jiro ka-chat ni Rosmar – Ogie Diaz

HINDI ang dating child actor na si Jiro Manio ang nag-chat at nanghihingi ng trabaho sa social media personality at busineswoman na si Rosmar Tan, ayon sa showbiz insider na si Ogie Diaz.

Sa Facebook post, winarningan ni Ogie si Rosmar na poser ni Jiro ang nag-private message rito.

“Rosmar, fake account po yung kausap nyong Jiro Manio. Kung sino sino po ang tsina-chat niyan. Baka mabudol ka,” sey ni Ogie.

Ayon kay Ogie, nakausap niya si Jiro. 

“And through us, pakisabi na hindi raw siya yon.  Okay ang tumulong, pero wag sa nagpapanggap na nangangailangan,” sambit pa ni Ogie.

“Nag-message na rin sa akin si Fake Jiro, pero dinedma ko, dahil feeling ko, hindi siya.”

Payo ni Ogie kay Rosmar: “Kung saan nandun ang iyong resort, yun ang bigyan mo po ng trabaho para tulong na din sa kanila.”

“By the way, wag ka nang umasa ng public apology sa Fake Jiro.  Baka fake din ang paghingi ng sorry,” wika pa niya.