NAWINDANG ang publiko nang mag-flash sa screen ang mga images nina Eugene Domingo at Christopher de Leon sa “In Memoriam” segment ng Metro Manila Film Festival 2024 Gabi ng Parangal.
Sa nasabing segment ay binigyan ng tribute ang mga manggagawa sa pelikulang Pilipino, kabilang mga artista, direktor at manunulat, na sumakabilang-buhay ngayong taon.
Nagpuyos ang ilang fans ni Eugene na sinabing doble ang insultong ibinigay ng MMFF sa aktres dahil hindi na nga ito na-nominate para sa pelikulang “And The Breadwinner Is…” ay isinama pa ito sa mga listahan ng mga namatay na artista.
Narito pa ang ilang komento ukol sa kapalpakan ng awards show.
“Grabe yung sa part ni e
Eugene Domingo. Bakit naman sila ganon?”
“Sana man lang meron someone from MMFF staff na nagpatigil ng video the moment marealize nila na it was so wrong to include Ms. Uge.”
“Mag apologize kayo kay Ms Eugene!!! Nakakaloka kayo.”
“This is the worst MMFF awarding ceremonies ever. 50th year pa namam ang festival pero halatang d pinaghandaan talaga.”