PINUNA ng ilang netizens ang hairstyle ng aktor na si Enrique Gil dahil sa panggagaya umano nito sa hairstyle ng pop star na si Justin Bieber noong 2010s.
Kamakailan ay naispatan si Enrique sa BYS Fashion Week kasama si James Reid.
Sa photo ng dalawang aktor, pinuna ng mga observers ang buhok ni Enrique na anila ay gaya sa Canadian singer noong “Baby” era
“Wala bang stylist si Enrique? He seems to be stuck in Baby Baby era of Justin B. sa pormahan nya, pati hairstyle,” sey ng isang netizen.
“It looks like a ‘comb-over’ hairstyle. It is obvious that Enrique is already getting ready for his hair issue problem,” sambit ng isa pa.
“Napapanot na ba si Enrique? Bakit may bangs pa rin?” sundot pa ng isa.