WALA pang planong magpabakuna sa ngayon si Derek Ramsay at ang fiancee niya na si Ellen Adarna.
Ayon kay Derek, marami pa silang tanong ni Ellen ukol sa bakuna kontra Covid-19 kaya nagdesisyon sila na ipagpaliban muna ang pagpapaturok.
Gayunman, sinabi ng aktor na todo ang effort nila para hindi dapuan ng sakit gaya ng pag-iwas sa maraming tao, page-ehersisyo at pagkain ng masusustansya.
“Hindi pa kami convinced with everything about it. But I don’t want to talk about it because that’s our decision, di ba? Hindi pa kami comfortable to get vaccinated,” sey ni Derek.
“That’s why we really, really work hard on boosting our immune system. Hindi naman kami masyadong lumalabas. Pero we always take our vitamins. We really invest in our vitamins,” dagdag niya.