Ex-DILG Secretary bagong lalaki sa buhay ni Kris?


NANINIWALA ang mga fans ni Kris Aquino na si dating Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento ang bagong lalaki sa kanyang buhay at binati niya ng happy birthday sa social media.


Unang “ebidensiya” na mga fans, kaarawan kahapon ni Sarmiento.


At ikalawa, sinagot ni Sarmiento gamit ang Instagram account ni Kris ang basher na tinawag na narcissistic ang aktres.


Matatandaan na nitong Miyerkules ng umaga ay nag-post si Kris ng greeting na, “Thank you for coming into my life… Happy birthday!”


Nagkomento naman ang isang netizen at sinabing burahin ni Kris ang kanyang mga social media accounts upang maging “fair” sa isang dating kalihim ng DILG.


“Ghorl @krisaquino Kung gusto mo talaga na private ang buhay mo. Wag kana mag post ng Ganito narcissistic ka din e. Kawawa naman ang dating DILG secretary sayo be fair. Please abolish you’re social media account. Please lang day! Baka malasin pa,” hirit ng netizen.


Sinagot naman ito ni Kris: “Why? Did I name names? ikaw ang nag greet by name and nag assume agad… and bakit mo ko didiktahan to ‘abolish’ my social media account? Siguro if like you I had 3 posts & 8 followers madaling gawin yun but when you have 4.8 million on IG and 4.5 million on FB you just don’t do that because you respect the relationship you’ve built with the people who have come to love and trust you.”


“If you are afraid about my political ambitions, that’s why you called me narcissistic- that’s really not my problem. Mas mamalasin tayo kung puro ka negahan like your attitude instead of positivity and #lovelovelove. We live in a democracy and wala akong masamang pi-nost,” dagdag ni Kris.


Bumanat ang netizen na dapat ay personal na lang binati ni Kris ang dating opisyal at hindi na idinaan sa social media.


“Madame hindi po ito tungkol sa politics. Ang sabi ko lang kung gusto mo ng private life Bakit need mo pa mag-post ng ganito. Puwede mo naman i-greet na lng siya in private. Puro ka hanash ano yan parang Shopee may hint. Ang narcissistic mo kaya. Ano yun gusto mo pag-usapan ka lagi duh! Kung tatakbo ka tumakbo ka. Kung hindi eh di hindi. Daming hanash bagay sayo sa bahay na lng,” ayon sa netizen.


Dito na sumagot si Sarmiento gamit ang account ni Kris.
“@mynameisaxell hiniram ko yung phone ni Kris – ewan ko kung nakatrabaho kita sa DILG sa laki ng department mahirap maalalala ang lahat. Wag naman masamain kung nag greet nga sa ‘kin, ba’t naman napunta na sa malas? Eh napasaya nga nya ko- kung tutuusin napaka swerte ko. Kung nag sama nga tayo sa department na minahal ko, konting respeto naman sa min ni Kris. – Mel Senen Sarmiento,” ayon sa dating DILG Secretary.


Nagsilbi si Sarmiento bilang hepe ng DILG mula Setyembre 2015 hanggang Hunyo 30, 2016.