Covid-theme cover ng BeeGees nakaka-LSS

PATOK sa publiko ang cover ng BeeGees song na “Too Much Heaven” na may Tagalog lyrics tungkol sa Covid-19.


Kahit nga ang Department of Health ay in-upload ang video ng kanta, na ibinahagi ng beteranong composer na si Boy Christopher Ramos sa YouTube ilang buwan na ang nakaraan.


Si Ramos ang composer ng awiting “Bawal na Gamot” at “Hindi Ako Laruan.”
Kasama ni Ramos ang mga anak na sina Yshra at Yvanjovi na kumakanta sa video.


Ang mensahe ng kanta: Sumunod sa minimum health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan lalo ngayong sumipa ang bilang ng kaso ng Covid-19 sa bansa.