NAG-TRENDING sa Twitter ang ‘Cher’ matapos iendorso ng Goddess of Pop na si Cher ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo.
“Bravo!! Let women do it! Let Leni, & all fighting to save climate, children, elderly, poor, homeless, sick, people of all colors, ethnicities, LGBTQ force honor in government,” sabi ni Cher sa kanyang tweet.
As of posting time, umabot na sa 57,000 retweets ang post ni Cher habang 117,800 plus naman ang likes nito. Kagabi nasa mahigit 70,000 tweets ang pangalan ni Cher at nanguna sa Philippines trends.
Maging si Sharon Cuneta ay nagkomento sa tweet ni Cher.
“Thank you, @cher!!! My husband is running as Leni’s Vice-President and they are a wonderful, honest, God-fearing, knowledgable team! We love you!” sabi ni Sharon.
Tila nagparinig naman ang isang netizen sa kampo ni Bongbong Marcos sa kanyang komento.
“You have Toni Gonzaga. We have Cher. We are not the same,” sabi ng netizen na si @robbespiere.