TUTOL ang ilang celebrities sa pagpapatupad ng limited face-to-face classes sa kindergarten hanggang Grade 3 na iminumungkahi ng Department of Education.
“Wag kayong pabida. Ipahinga n’yo ‘yang idea na ‘yan. Wag nyong gawing guinea pig ang mga bata para i-try kung mananatiling negative habang nasa klase,” ani Ogie Diaz.
“Mga bata yan, imposibleng hindi magdidikitan ang mga ‘yan, lalo na kung na-miss nila ang isa’t isa. Sa brilliant idea n’yo na ‘yan, sa palagay n’yo, aabot sa Grade 4 ang mga bata kung isasapalaran n’yo ang buhay nila?” dagdag ni Ogie.
Sumang-ayon naman si actress Aiko Melendez sa pahayag ni Ogie.
“I agree you on this. Mali na ang mga bata ang i-front line nila para lang habulin ‘yung pondo na malalaan dito,” sey ni Aiko.
“Ang dami na namamatay, lalo na ang mga bata, wala naman sila vaccine. Naitawid naman na online classes muna ang mga bata, bakit di muna pababain ang cases? Kapag meron na along the way na vaccine that would be safe sa kids, that’s the time na pwede na ‘to,” aniya pa.
Hindi naman napigilan na mapamura ni comedienne Pokwang sa plano ng DepEd.
“PUT** INA KAYO KAYO NA LANG!!! Ano ako ulol para ipain ang anak ko sa kabobohang idea na ito? di na oy!!!!” sabi niya. –A. Mae Rodriguez