Digong: Imbestigasyon ng Senado kay Yang walang kwenta

TAHASANG sinabi ni Pangulong Duterte na walang mangyayari sa imbestigasyon ng Senado laban kay dating presidential adviser Michael Yang.


“Umiingay na naman ito si (Sen. Richard) Gordon, at sabihin ko sa ‘yo, magpupustahan tayo, walang mangyari niyan,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa national assembly ng PDP-Laban.


Iginiit niya na walang katiwalian sa isinagawang transaksyon ng pamahalaan sa pagbili ng mga mask at face shields.


“E wala naman talagang nilabag sa batas ‘yang except the existence of the corporation ng Singapore who provided the goods,” giit ni Duterte.


“Itong si Michael Yang, middleman lang ‘yan. A Chinese doing business because we were encouraging everybody in the world to come to the Philippines and do business,” aniya. –WC