Heaven Paralejo nasa ‘loving myself’ phase

INAMIN ni Heaven Paralejo na nasa phase siya ng “loving myself” matapos ang umano’y hiwalayan nila ni Kiko Estrada.


“Right now, I’m in the phase of loving myself. No joke. Every morning and every night, nandoon ako sa mga affirmations,” aniya sa panayam ng ABS-CBN.


“They say, ‘di ba, na ‘pag sinasabi mo ‘yan sa sarili mo, parang magnet iyon, so iyon ‘yung magiging buhay mo. Alam mo, ‘yung mga things na hindi ko alam na kaya kong gawin, nagagawa ko pala, in a good way,” pagpapatuloy ni Heaven.


Wala naman siyang naging komento sa umano’y break-up nila ni Kiko.


Nitong Agosto, inamin nina Kiko at Heaven na mag-on na sila pero matapos ang isang linggo ay naging usap-usapan ang kanilang hiwalayan makaraang i-unfollow ni Kiko si Heaven sa Instagram at burahin lahat ng pictures nito. –A. Mae Rodriguez