Bunso nina Rodjun Cruz, Dianne Medina bininyagan

BININYAGAN nitong weekend ang bunsong anak ng celebrity couple na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina.

Base sa Instagram post ni Rodjun, naganap ang binyag ni Maria Isabella Elizabeth sa Santuario Di San Paolo sa Casa Milan Executive Subdivision sa Quezon City.

“Welcome to the Christian world our princess @isabella_ilustre! We love you so much! God bless you always & in all ways,” caption ni Rodjun.

Kabilang sa mga tumayong ninong at ninang ni Isabella sina Alfred Vargas, Aiko Melendez, Wendell Ramos, Maxine Medina, Andrea Torres, Rochelle Pangilinan, Charee Pineda, at Valerie Concepcion.

Present din ang uncle ng baby na si Rayver Cruz at girlfriend nito na si Julie Anne San Jose, Sunshine Cruz, at Yasmien Kurdi.

Ngayong buwan ipinagdiwang nina Rodjun at Dianne ang kanilang ikalimang wedding anniversary.