Bianca ginunita yumaong magulang: ‘It hurts’

MULING inalala ng aktres na si Bianca Umali ang kanyang mga magulang na sumakabilang-buhay ilang taon na ang nakararaan.

Sa Instagram, ibinahagi ni Bianca ang larawan ng ama’t ina na tinawag niya na mga “angels.”

“As each year goes by… it gets harder and longer for me to process…” ani Bianca sa caption.

“Another May 8th has passed… it hurts… but it is what it is. I accept and know everything happens for a reason. J love and I miss you 2 – so bad,” dagdag niya.

Sumakabilang-buhay ang mommy ni Bianca sa breast cancer noong limang taong gulang ang aktres. Makaraan ang limang taon, namatay sa atake sa puso ang kanyang daddy.

Sa isang panayam noong 2018 ay sinabi ni Bianca na mahirap maging ulila sa batang edad.

“It wasn’t easy and it will never be easy until today. Masakit po siya and I will forever be incomplete,” aniya.