Belle Mariano umamin: Ayaw papasukin sa showbiz ng magulang

INAMIN ng aktres na si Belle Mariano na noon una ay ayaw siyang papasukin ng mga magulang sa mundo ng showbiz.

“From the very beginning, my parents were kind of telling me na, ‘Don’t enter show biz,’” chika niya sa vlog ni Karen Davila.

“They were really against me entering show biz, pero ako talaga ‘yung every night, pinipilit ko to the point na minamasahe ko po yung both parents ko para payagan nila akong mag-commercials,” dagdag pa niya.

Halos 100 audition ang sinubukan niya bago niya makuha ang unang project.

“I attended so many VTRs, as in almost 100, to the point na parang nawawalan na ko ng hope,” kwento ng aktres. “I think it’s because… wala pa akong experience when it comes to commercials.”

Hindi naman sumuko si Belle na pasukin ang mundo ng showbiz.

“I think the process, lahat ng failures na pinagdaanan ko, lahat ng rejections na pinagdaanan ko, it’s what made me who I am now. It’s what made me do what I do now. It made me love my work more,” sey niya.

Ibinahagi pa niya na sa plano niyang huling audition ay doon na siya natanggap.

“Luckily, when I auditioned for this one commercial, talagang sabi ko, ‘This is the last. If hindi talaga ito for me, ‘wag na.’ Then I got the commercial. From then on, nagtuloy-tuloy na,” kwento niya.

Kasalukuyang on-screen partner niya ngayon si Donny Pangilinan.