KAHIT pa katakot-takot na puna at panlalalait ang natatanggap niya sa veteran show biz columnist at talent manager na si Lolit Solis, hindi ito babastusin ni Bea Alonzo.
Sa isang panayam ay nagsalita na ang Kapuso actress at star ng “Start Up Ph” kaugnay sa serye ng mga banat sa kanya ni Lolit.
“I will never reply because hindi ko naman nababasa what she writes about me. People just tell me about it,” unang hirit ni Bea.
Punto niya, nirerespeto niya ang opinyon at pagkatao ni Lolit.
“But I respect her so much, although we’ve never met, we’ve never been introduced or spoke to each other,” aniya.
Hindi rin niya gagantihan ang talent manager dahil alam niya na may sakit ito.
“I heard she’s sick at lalo na akong hindi sasagot, dadalhin ko pa ‘yan parang ang bigat-bigat. Let’s just stay positive. I will sincerely pray for her healing and for her to get well soon,” dagdag ni Bea.