Bea, Dom sa publiko: spare us from more cruel, very hurtful words

NAGLABAS ng joint statement ang dating magkasintahang Bea Alonzo at Dominic Roque kaugnay sa kanilang breakup.

Kapwa kinumpirma ng dalawa na hiwalay na sila pero naghihinanakit dahil “some even confirmed our break-up without our consent, and some created ridiculous stories that had no basis and were utterly false.”

Anila, kailangan na nilang magsalita ukol sa kanilang hiwalayan para sa ikatatahimik ng isipan nila at ng kanilang mga pamilya.