Pera regalo na nais matanggap ng Pinoy sa VDay

MONEY, money, money, ang pangunahing regalo na nais matanggap ng mga Pinoy sa Valentine’s Day, ayon sa survey na isinagawa ng Social Weather Station.

Sa resulta na inilabas ng SWS nitong Linggo, pumangalawa lang ang love at companionship sa mga napiling regalo na gustong makuha ng mga Pinoy sa darating na Araw ng mga Puso, habang nasa ikatlo naman ang bulaklak.

May 1,200 katao ang sinerbey ng SWS mula sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao na may tanong na “What gift do you want to receive from your loved one this coming Valentine’s Day?”


Ayon sa mga nausisa, 16 percent ang nagsabi na pera habang 11 percent naman ang nagsabi na love and companionship at 10 percent naman ang flowers.

Nasa ika-apat na pwesto ang apparel o damit na 9 percent; any gift from the heart, 5 percent; mobile phone, relo o jewelry, good family relationship, food at grocery items at chocolates na pare-pareho ring may 5 percent.