Basher ni Jinkee mas dadami pa

MAS marami pang magbabantay at mang-ookray kay Jinkee Pacquiao ngayon na pormal na inanunsyo ang pagtakbo sa pagkapangulo ng kanyang mister na si Senador Manny Pacquiao sa 2022 elections.

“Tiyak na mas marami na naman ang magbabantay kay Mama Jinkee dahil magiging very visible siya dahil sa candidacy ni Manny,” chika ni Lolit Solis.

“Sabagay, sa dami ng fans at followers ni Manny Pacquiao hindi rin natin alam, malay natin kung hanggang pagiging Presidente maging masuwerte siya,” dagdag pa ni Lolit.

Hanga naman si Lolit sa narating ni Manny. Sinabi niya na talagang galing sa humble beginning ang boxer-politician.

“Kung iisipin mo ang naging journey niya sa life, puwede naman isipin na totoo na man of destiny ang boxing champ. From his humble beginning, hangga ngayon, parang umuulan ang suwerte sa kanya. Kaya malay natin,” pahayag pa ni Lolit.

Matatandaang nakatanggap ng iba’t ibang batikos si Jinkee dahil sa kanyang mga pinopost sa Instagram.