HINDI giginawin sa Pasko ang aktres na si Barbie Imperial kahit wala siyang karelasyon sa kasalukuyan.
Aniya, pamilya ang kasama niya ngayong Pasko.
“Hindi naman siya malamig. Kasi siyempre, I have my family naman. And ‘yun naman ang importante lalo sa akin. Basta nandiyan ‘yung mom ko and my brother okelay na ‘yung Christmas ko,” sey ni Barbie.
Iginiit niya na masaya siya sa pagiging single.
“I’m happy right now and very excited for 2023 because I’m doing three projects in January, March and April…di lang naman lalaki ang puwedeng magpasaya sa akin,” sabi niya.