HINDI madyadong pinoproblema ni Barbie Imperial ang mga bagong-tubo na tigyawat sa kanyang mukha at maging ang mga peklat ng natuyong pimples.
Sa vlog, sinabi ni Barbie na dati ay nai-insecure siya sa dami ng kanyang acne at pimple marks.
“I used to be super conscious about my pimples and marks but I realized it’s normal,” aniya. “Tao lang din naman tayo.”
Kwento ni Barbie, lumalabas ang kanyang mga pimples kapag may “dalaw” siya.
“That usually happens kapag nag-pms ako, kapag magkakaroon ako, so hormones talaga siya, and that’s completely normal,” sey niya.
“I filmed this video while I was PMSing and had cystic acne because I know a lot of girls also have the same problem. But I wanna remind you na it’s normal at okay lang,” sabi pa ng aktres.