Baby ni Carlo Aquino may death threat

BINUWELTAHAN ng mag-asawang Carlo Aquino at Trinza Candaza ang netizen na nagsabing “ang sarap patayin” ng kanilang anak na “mukhang tutang ina.”


Sa kanyang Instagram story, ipinost ni Carlo ang screenshot ng komento ng netizen na nagbanta sa kanyang anak na si Enola Mithi.


“Full grown adults who makes fake accounts to do this. Ano na ang nangyayari sa mundong ito? Papano kayo pinalaki ng mga magulang niyo? Magkano sinasahod nito para gawin ito? Worth it ba?” sabi ng galit na galit na si Carlo.


Samantala, sinabi ni Trina sa kanyang IG story na kasuklam-suklam na makabasa sa social media na may gustong pumatay sa kanyang anak.


“Nakakagalit mga ganitong klase ng basher mga salot kayo. puro kayo fake account, pero takot na takot ipakita mga pagmumukha niyo,” aniya pa.


Ipinanganak si Enola Mithi noong September 2020.