Inday Sara nakabalik na ng Davao

NAKABALIK na ng Davao City si Mayor Sara Duterte-Carpio matapos ang limang-araw niyang biyahe sa Singapore para sa kanyang “personal health management”.


Sa isang panayam, sinabi ni Carpio na may nakatakda uli siyang biyahe sa nasabing bansa sa October 2021 at April 2022.


Aniya, nakalimutan niyang ianunsyo ang biyahe niya noong isang linggo.


“I wasn’t able to advise last week that I will take a leave of absence unlike last October. I just missed to make an announcement,” ayon sa presidential daughter.


Kasalukuyang naka-quarantine ang alkalde.