A’tins are you ready for #MaPa?

HANDANGHANDA na ba ang mga A’tins para sa ire-release na bagong kanta ng P-Pop na SB19 na “Mapa”?

Nakatakdang i-release ng SB19 ang “Mapa” sa Mayo 16.

At recently nga ay may pasabog sina Justin, Pablo, Stell, Josh and Ken nang mag-post sila ng heartwarming photos nila at ng kanilang mga magulang the day before Mother’s Day.

Kaya nga dali-daling chika ng mga A’tins na may kinalaman ang mga nasabing post para sa kanilang ilalabas na single.

Isa sa pinaka nakaka-touch na post ay ang kay Justin. Ito ay nang mag-thank you siya sa kanyang nanay na hindi siya iniwan sa kanyang laban sa isang uri ng skin disease sa loob ng anim na taon..