MANSION NG SIKAT NA POLITIKO-CELEBRITY SA FORBES IBINEBENTA NG P1.5 BILLION

HABANG tumatagal ay parami nang parami ang naaapektuhan ng pandemya sa bansa.

Hindi lamang ang mga pangkaraniwan nating mga kababayan ang apketado kundi pati na rin ang mga bilyonaryo.

Bagama’t hindi masyadong ramdam ng kanilang sikmura ang sipa ng pandemya apektado naman nito ang tubo sa kanilang mga negosyo.

Mula sa higit sa P2 Billion na halaga ng kanyang mansion sa Forbes Park balitang bagsak presyo na raw ang property na ito ng isang sikat na pulitiko.

Baka interesado kayo? Ang asking price ay P1.5 Billion “na lang” at pwede pa raw tawaran.

Dahil walang pumapansin sa domestic market ngayon ay naka-advertise ang nasabing “exquisite luxury home” sa international marketplace na James Edition at Lamudi.

Nauna na kasing kumalat ang mga balita na for sale ang nasabing property dahil gagamitin ang pondo para sa pagtakbo sa mas mataas na pwesto sa gobyerno ng pulitikong may-ari nito.

Dahil located sa Fobres Park at marami na ang ginawang improvements sa lugar hindi nga naman kataka-takang umabot sa bilyong piso ang halaga nito mula sa dating P300 Million.

Idagdag pa dito na isang kilalang personalidad at may pagka-historical figure pa ang antas ng kasalukuyang naninirahan sa mansion.

Hindi na kailangan ang clue dahil kilala niyo na kung sino ang personalidad na may-ari ng mansion na ito na sumikat at naging matagumpay dahil sa pagpupunyagi na maabot ang kanyang pangarap sa buhay.