BONGGABELS ang GMA actress na si Andrea Torres matapos itong mapili para gumanap na lead star sa Argentinian film na “Pasional”.
Kasama ni Andrea sa pelikula ang Argentinian actor na si Marcelo Melingo.
Nagkaroon ng welcome dinner ang aktres kasama ang director ng pelikula na si Luciano Croatto, actor-producer Nicolás Cacciavillan, at producers Alejandra Bustamante and Agustín Vargas-Clérico.
“Hindi ako makapaniwala! Napakalaking blessing na napakaganda ng taon na ito for me in terms of career. I’m very, very happy lang talaga,” chika ng aktres.
Ibinahagi rin ni Andrea sa Instagram ang mga pictures niya habang nasa Argentina.