Noli De Castro buhay pa

ITINANGGI ng anak ng veteran broadcaster at dating Vice President Noli De Castro na pumanaw na ang ama nito.

Ito ay matapos kumalat sa social media ang balitang pumanaw na si De Castro.

Sa isang fake news post, ginamit ang mga pangalan at larawan ng mga dating kasamahan ni De Castro sa ABS-CBN gaya ni Ted Failon para ikalat ang maling balita na patay na ang dating bise presidente.

“Hi everyone. My Dad’s absolutely fine. We just had dinner,” post ni Kat De Castro Martes ng gabi.

Nagpasalamat naman si Kat sa mga nagreport ng maling balita.

Hindi na muling nagpakita sa publiko si Noli matapos niyang iatras ang kanyang kandidatura bilang senador sa partido ng Aksyon Demokratiko na nagsusulong ng presidential bid ni Manila Mayor Isko Moreno.