Bagong kaso ng COVID 3,218; pinakamababa sa loob ng 5 buwan

NAKAPAGTALA ng 3,218 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw, Oktubre 27, 2021.

Ito ang pinakamababang bilang ng mga kasong naitala sa nakalipas na limang buwan.

Sa ngayon ay pumapalo na sa 2,768,849 ang kabuuang bilang ng mga kaso habang nasa 42,348 ang bilang ng mga nasawi dahil sa virus.