Alessandra De Rossi: Walang masama sa pagiging single lady

BINWELTAHAN ni award-winning actress Alessandra De Rossi ang mga babaeng namba-bash sa kapwa babae na wala pang anak o hindi pa kasal.


Pahayag ni Alex, may kanya-kanyang landas sa buhay na tinatahak ang bawat babae.


“BV (bad vibes) na minsan when people make you feel you’re less of a woman, bec you’re not married or you don’t have kids (yet) or a ring on your finger. Para bang… Pwede bang ito yung path namin?!” chika ng aktres sa Twitter.


“Sige, what is the essence of a woman? Malay ko! I don’t even know the essence of a man! CHOT,” dagdag niya.


Ayon pa kay Alessandra, “kanya-kanyang trip ‘yan, kung masaya ang isang babae sa pagiging ina,” masaya rin siya pa rito.


Pero sey niya, ang “best thing” pa rin sa mundo para sa kanya ay ang magandang sunset.


“If motherhood or getting married is the best thing that ever happened to you, I’m happy for you. I’m sure it is the happiest place to be. Pero okay naman ako sa Jollibee,” aniya. “Kanya-kanyang trip lang ‘yan. Naiiyak nga ako sa magandang sunset and it’s also the best thing for me.”