Ako, hinuthutan si Manny? Hello –Jinkee Pacquiao

NAGTATAKA si Jinkee Pacquiao kung saan nanggaling ang isyu na hinuhuthutan lamang niya ang asawang si Sen. Manny Pacquiao.


“Pineperahan ko raw. Pera lang daw ang habol ko kasi nag-champion sa boxing,” ani Jinkee nang tanungin ni Dr. Vicki Belo kung anong tsismis ang pinakakinaiinisan niya.


Kwento ng Jinkee, marami silang naging hirap bago sumikat sa larangan ng boksing si Manny.


“Umpisa pa lang, marami na kaming experience noon. Nangutang kami para lang makapag-ensayo siya sa Davao o Maynila. Kailangan ng pocket money,” sey ni Jinkee.


“Alam ‘yan ng mga ninang namin kasi ginigising ko sila nang maaga. Sabi ko, ‘Ninang, help me, help us’ Mangungutang pa kami ng pera para lang pam-budget niya sa ensayo,” dagdag niya.


Thankful naman siya dahil sobra-sobra ang biyaya na batanggap nilang mag-asawa matapos ang ilang taong pagsasakripisyo.


“‘Di ba hindi mo naman hawak ang future? Kumbaga, God holds the future. Hindi mo naman alam kung ano ang future mo dito. Basta ano lang, nagmahal ka lang, magkasama kayo. May mga ups and downs, pero hindi mo alam kung ano ang mangyayari in the future.” –A. Mae Rodriguez