TODO-tanggi ang mga TV executives na sina Richard “Dode” Cruz at Jojo Nones na humingi sila ng tawad sa veteran actor na si Nino Muhlach kaugnay sa umano’y pang-aabuso nila sa anak ng huli na si Sandro Muhlach.
Ibinasura rin nila ang pahayag ni Niño na nag-alok sila ng pera para sa charity para mapatawad sa krimen.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, tinanong ni Sen. Jinggoy Estrada sina Cruz at Nones kung bakit sila nagsori kay Niño nang magkaharap sila sa meeting na sinet-up ng mga opisyal ng GMA network.
“Nag-meet kayo sa bahay ni (GMA-7 vice president) Anette Gozon na nag-apologize kayo. What did you apologize?” tanong ni Estrada.
“Your honor, ang sabi po namin kay Niño, ‘We’re very, very sorry pero wala po kaming ginawang masama sa anak niya,” sagot ni Nones.
Natawa naman si Estrada bago muling nagtanong: “You’re very sorry for what? What did you apologize?”
“We did not apologize. Ang context po is ‘sorry pero wala po kaming ginawang masama sa anak n’yo,” hirit ni Nones.
“Kung wala kang ginawang masama bakit ka magso-sorry?” giit uli ni Estrada.
Samantala, itinanggi ni Nones na tinangka nilang suhulan si Niño para matapos na ang isyu.
“No po your honor. That would be insulting po,” sagot ni Nones.
Inalamahan naman ito ni Niño. “Miss Anette Gozon was present during the (meeting),” aniya.