2 anak ni Paolo Contis kay Lian Paz gustong ampunin ni John Cabahug

INAMIN ng fiance ni dating EB Babe Lian Paz na si John Cabahug na gusto na niyang i-adopt ang mga anak ng dancer sa actor na si Paolo Contis.

May dalawang anak sina Lian at Paolo.

Chika ni John, mahabang proseso ang pag-adopt sa mga bata at nangangamba siya na baka hindi rin pumayag si Paolo.

“Pero sabi ni Attorney, kailangan kasi ng signature ni Paolo. Sabi ko, baka hindi papayag ’yon. Pero ako, sobrang gusto ko,” ayon kay John.

“Kung pwede lang, kung halimbawa si Paolo, hindi na siya ’yong magpa-pride…pero siyempre, nirerespeto ko rin ’yong proseso at saka siya, kung ano ang mga diskarte niya sa buhay. Kaya sabi ko, in the right time siguro,” dagdag niya.