Tricycle Driver Nagsoli Ng P20M Cash, Tseke; Binigyan Ng Pabuyang P1K, Leche Flan

PINARANGALAN ang tricycle driver na nagsoli ng P20 milyon na halaga ng cash at tseke na naiwan ng kanyang pasahero sa Tagum City, Davao del Norte kamakailan.

Dahil sa kanyang katapatan, binigyan si Sofio Alo Jr. ng isang kahon ng face mask, face shield, school supplies at hand sanitizer ng Apokon Elementary School, na siyang naggawad ng parangal.

Nakatanggap din siya ng P1,000 cash at leche flan mula sa may-ari ng pera at tseke.

Napag-alaman na bumaba sa tabi ng bangko sa Pioneer st. ang pasahero na hindi namalayan na naiwan niya ang kanyang bag.

Habang naghihintay ng pasahero ay naispatan ni Alo ang bag kaya dali-dali siyang bumalik ng bangko para hanapin ang pasahero at ibalik dito ang bag.