Mga Ate, Manugang Ni Erap, COVID Positive Rin

POSITIBO sa Covid-19 ang mga kapatid ni dating Pangulong Joseph Estrada at asawa ng kanyang anak na si dating Sen. Jinggoy Estrada makaraan umanong mahawa sa ex-president na ngayon ay nasa ICU at nakikipaglaban sa sakit.

Ayon kay Jinggoy, wala namang sintomas ang kanyang asawang si Precy at mga tiyahin kaya hindi na kailangang paospital.

Aniya, maaaring nadapuan ng virus ang tatlo nang minsang magsabay-sabay maghapunan ang buong pamilya. Hindi naman sinabi ni Jinggoy kung sino sa kanyang mga tiyahin ang nagpositibo sa sakit.

Bago ito ay inanunsyo niya na nasa ICU at naka-ventilator ang ama dahil lumala ang pneumonia nito.