NAGDEKLARA si Pangulong Duterte ng state calamity sa anim na rehiyon na sinalanta ng Bagyong Odette.
Inaprubahan ni Duterte ang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na isailalim sa state of calamity ang
Region IV-B, VI, VII, VIII, X, at XIII.
“The declaration of the state of calamity will hasten the rescue and relief and rehabilitation efforts of the government and the private sector, including kung saan galing ang tulong — be it outside or ‘yung tayo-tayo lang,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People.
Idinagdag ni Duterte na epektibo ang pagdedeklara ng state of calamity para makontrol ang presyo ng pagkain at iba pang mga pangangailangan.
Nangako si Duterte na babalik muli sa mga apektadong lugar matapos ang kanyang pagbisita sa mga nakaraang araw.