INIHAYAG ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ipinatutupad ang shellfish ban sa 10 lugar sa bansa dahil sa red tide toxins.
Sa isang kalatas, sinabi ng BFAR na kabilang sa mga sakop ng shellfish ban ang coastal water ng Roxas City, Sapian Bay, coastal water ng Panay; coastal water ng President Roxas, at coastal water ng Pilar, na pawang nasa Capiz; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; coastal water ng Milagros, Masbate; Matarinao sa Eastern Samar; coastal water sa Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas are not safe for human consumption,” sabi ng BFAR.
Idinagdag ng BFAR na maaari namang kainin ang isda, pusit, hipon at alimasag bastat sariwa at huhugasan nang Mabuti at aalisin ang hasang at bituka bago lutuin.