TAKOT NA TAKOT ang mga residente ng Barangay Sabang, Cabugao, Ilocos Sur matapos maglabasan ang sandamakmak na kakaibang mga bulate.
Ayon sa isang residente, isang batang naglalaro sa dalampasigan ang unang nakakita ng mga bulate.
“Bale tapat namin ang dagat na biglang nagkagulo yung mga batang naglalaro sa tabing-dagat,” pahayag ni Carl Jomari Rebogio sa post niya sa kanyang Facebook.
Sa larawan ni Carl, kulay asul at brown ang mga bulateng namataan sa baybayin at nasa 10 pulgada ang haba nito.
Misteryo pa rin sa nga residents ang pinanggalingan ng nga bulate dahil hindi naman polluted ang kanilang dagat.
Agad pinabatid ng mga residente sa barangay dahil posibleng maapektuhan nito ang kanilang kabuhayan.
Ayon kay Cabugago-Disaster Risk Reduction Management Council Head Nereo Daproza na kukuha sila ng specimen ng bulate at ipapadala ito sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para masuri.