‘Run, Sara, Run’ poster nagkalat sa isla sa West PH sea

NAKARATING na rin hanggang sa Kalayaan Group of Islands sa West Philippine Sea ang poster na nag-uudyok kay Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo sa 2022 presidential elections.


Ito ang napag-alaman makaraang isapubliko ng Inquirer.net ang picture na ibinahagi ng isang residente ng Pag-asa Island.


Ayon sa ulat ng Inquirer.net, makikita sa larawan ang ilang opisyal at residente ng Kalayaan na nakatayo sa harap ng daungan na may nakalagay na malaking streamer ng “Run Sara Run”.


Kinunan umano ang larawan noong Miyerkules.


Matatandaang nagsulputan ang mga kaparehong poster sa ibat-ibang bahagi ng bansa noong mga nakaraang buwan.