INIIMBESTIGAHAN na ng PNP ang diumano’y pagkakasangkot ng ilang pulis sa pag-ambush at pagpatay kay Aparri Vice Mayor Rommel Alameda at lima niyang kasamahan nitong Linggo sa Nueva Vizcaya.
“The assailants were reportedly clad in police uniform so we are looking at the possibility that either there are police officers involved or they just used police uniforms,” ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. nitong Lunes.
Nasawi sa ambush si Alameda at lima niyang kasamahan na sina John Duane Alameda, Abraham Ramos Jr., Ismael Nanay, Alexander delos Angeles at Alvin Abel.
Sakay sila ng isang Hyundai Starex nang pagbabarilin sila ng mga suspek na unipormado ng PNP at sakay ng isang government service vehicle alas 8:45 ng umaga sa Sitio Kinacao, bayan ng Bagabag.
Isang task force na rin ang binuo ng PNP na siyang tututok sa imbestigasyon sa insidente.
“We are now checking as to how the assailants were able to obtain and use the plate number of an impounded vehicle. Likewise, all available resources of PRO (Police Regional Office) 2 will be utilized in the conduct of the investigation in order to identify and arrest the perpetrators of this heinous crime. A Special Investigation Task Group has been activated to fast-track the solution of the case,” pahayag ni Azurin.