UMABOT na sa P14.6 milyong pananim ang nasira matapos ang nangyaring mga pagbaha sa Ifugao dahil sa walang tigil na mga pag-ulan, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sa ulat ng DA, 484 magsasaka ang apektado ng pagkasira ng kanilang mga pananim.
Ayon pa sa DA, tinatayang aabot sa 728 metric tons (MT) at 198 ektarya ng mga sakahan ang napinsala, kung saan apektado ang mga pananim na palay at mga high-value crops.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), aabot sa 1,500 indibidwal at 500 pamilya ang apektado ng flash flood sa anim na barangay sa Banaue, Ifugao.