Pari na pumatol sa may-asawa, sibak

INALIS na sa puwesto ang isang pari sa Pampanga na pumatol umano sa may-asawa, ayon sa Archdiocese of San Fernando.


Sa kalatas, sinabi ni Archbishop Florentino Lavarias ng San Fernando na kinakausap na ng Office of the Roman Catholic Archbishop of San Fernando (RCASF) ang pamilya na inireklamo ang pari.


“In the meantime, given the sensitive nature of the matter, and as a preliminary move, the Archdiocese has resolved to remove the priest from his parish assignment,” ani Lavarias.


Matatandaang nag-viral ang video ng isang lalaki na kinumpronta ang pari na inahas umano ang kanyang asawa. Makikita rin sa video ang anak nito na inakusahan ang pari na sumira ng kanilang pamilya.


“The RCASF reserves the right to take appropriate actions as a more thorough investigation progresses, after the receipt of a formal complaint from the concerned party,” ayon pa sa kalatas.